Текст песни Aiza Seguerra — Ako Lang Ang Nagmahal

image_pdfimage_print

Sa aking pag-iisa,
Ika’y biglang lumapit
At bago ko namalayan
Ako’y umibig sa ‘yo

Sa isang saglit
Akala ko’y di na magwawakas
Aking mundo’y lumawak at nagpumiglas

At nangarap na parati kang kasama
Sana bawat gabi kasiping ka

Sa himbing ng tulog ko
Ang panaginip ko’y ikaw
At sa aking pag gising
Ikaw pa rin ang lahat

Ilang taon akong kumapit ng pagkahigpit
Parang malinaw ang lahat kahit nakapikit

At umasa ako na lagi kang kasama
Basta’t ang nais ko’y laging kapiling ka

Ngunit tamis ng pag-ibig ay pinatatabang ng panahon
Hindi lahat ng kwento’y masayang nagwawakas
At bago ko namalayan
Di mo na ko kailangan
At ako’y muli ngayong nag-iisa

Siguro nga’y umasa akong magtatagal
Ang init ng iyong halik
Naglahong parang panaginip
Ako lang siguro ang nagmahal

Nangako kang paulit-ulit na di bibitiw
Napaniwala ng lubos ang puso kong baliw
At umasa akong parati kang kasama

Ngunit tamis ng pag-ibig ay pinatatabang ng panahon
Hindi lahat ng kwento’y masayang nagwawakas
At bago ko namalayan
Di mo na ko kailangan
At ako’y muli ngayong nag-iisa

Siguro nga’y umasa akong magtatagal
Ang init ng iyong halik
Naglahong parang panaginip
Ako lang siguro ang nagmahal
Ako lang,
Ako lang siguro ang nagmahal.

Оцените текст
( Пока оценок нет )

На данной странице вы найдете слова и текст песни Aiza Seguerra — Ako Lang Ang Nagmahal. Здесь можно прочитать, а также скачать текст песни и распечатать его.

Поделитесь с друзьями
text-pesen.ru