Bakit ako mahihiya?
Kung ang puso’y sumisinta?
Dapat ko bang ikahiya
Kung iibigin ko, ikaw sinta?
Bakit ako mahihiya?
Kung sa iyo’y liligaya
Ang pag-ibig mo lamang
Ang syang tanging aliw sa buhay
Pagkat kita’y minamahal
N’ong kita’y mahalin
‘Di ko na inisip
Ang kinabukasan ko
Ang nadaram ko’y iniibig kita
Pag-ibig na walang mali
Kung dahil sa iyo giliw
Ay tatanggapin kong
Maluwang sa dibdib
Pagkat mahal kita
Bakit ako mahihiya?
Kung sa iyo’y liligaya
Ang pag-ibig mo lamang
Ang syang tanging aliw sa buhay
Pagkat kita’y mahal