Humimlay na ang araw sa kanluran
Mata ng mundo’y bulag na sa karimlan
Masdan mo ang buwan sa pulang kalangitan
Hindi maipahayag ang liwanag niyang taglay
Tulad mo na ang palad ay kuyom
Ang mga mata’y piniringan ng mundo
Ang mga paa’y hindi makatakbo
Di dapat isipin ang yaman ng iba
Dapat pagyamanin ang sa iyo’y nakikita
Sa buhay na gulong hindi ka laging nasa silong
Himukin ang lahat sa itaas ay tumuntong
Kailan pa sisibol sa silangan?
Kayumanggi ka bang nilipi sa tapang?
Ngayon ang panahon
Muli ay susulong
Dumating na ang bukas mo
Tanawin ang umagang gumigising sa ‘yo
Magbagong buhay tayo
Sumabay ka sa pag ikot ng mundo
Ibahagi ang nalalaman mo
Pagyamanin ng husto
Ikaw ay Pilipino
Ugat ng pagbabago
Pag isahin ang pananalig
At dunong ng tao
Ang pang aapi sa sarili mong anino
Para mong dinurog ang sarili mong bungo
Kailan pa sisibol sa silangan?
Kayumanggi ka bang nilipi sa tapang?
Ngayon ang panahon
Muli ay susulong
Dumating na ang bukas mo
Tanawin ang umagang gumigising sa ‘yo
Magbagong buhay tayo
Sumabay ka sa pag ikot ng mundo
Ibahagi ang nalalaman mo
Pagyamanin…
Dumating na ang bukas mo
Tanawin ang umagang gumigising sa ‘yo
Magbagong buhay tayo
Sumabay ka sa pag ikot ng mundo
Ibahagi ang nalalaman mo
Pagyamanin…
Dumating na ang bukas mo
Tanawin ang umagang gumigising sa ‘yo
Magbagong buhay tayo
Sumabay ka sa pag ikot ng mundo
Ibahagi ang nalalaman mo
Pagyamanin…
Dumating na ang bukas mo
Tanawin ang umagang gumigising sa ‘yo
Magbagong buhay tayo
Sumabay ka sa pag ikot ng mundo
Ibahagi ang nalalaman mo
Pagyamanin ng husto