Текст песни Andrew E. — Ikaw

image_pdfimage_print

Hay nako, ayan, kasi, ano?
Ang hihilig sa magagandang lalaki
Ang hihilig sa magagandang babae
Oh, ano’ng napala niyo, oh, eh ‘di wala din, ‘di ba?
Kaya kung ako sa inyo, makinig kayo sa sinabi ko noon
Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay
‘Yan ang dapat mong ginawa
Kaya makinig ka sa ‘kin and it goes a little something like this

16 na taon, oh kay bilis, iha
No’ng una mong marinig ang aking kanta
Kay sarap balikan, ginintuang nakaraan
Sa «Humanap ka ng pangit» ay nagkantahan
Minemorize, sinaulo ng milyon-milyong katao
Na ang importante sa lahat ay pagkatao
At hindi ang itsura na nakakalinlang
Manloloko, mandaraya kaya huwag na rin lang

Binuwag ko na’ng pagitan ng maganda at pangit
Na mula noon, nililibak at nilalait
Kinukutya, inaapi, nilalayuan
Minamaliit, tinatawanan, at tinatapak-tapakan
Pero not anymore, ‘di mo na mararanasan
Ang pandirian ka na para bang isang basahan
Dahil tao ka na may dangal at halaga
Ganda ng ugaling ‘di makita sa iba

Ikaw ang pinakamagandang (Ano?)
Babae sa balat ng lupa (Say what, say what)
Ikaw ang pinakamagandang (Ano?)
Babae sa buhay ko (Oh yeah, come on)

Kaya dahil sa humanap ka ng pangit, natupad
Pamilyang pinapangarap at hinahangad
Kuntento sa asawa, ngayon ay masaya
Kahit ‘di sila mayaman, buhay ay maganda
And guess what? Labing-labing, gabi at araw
Maligayang samahan ay talagang abot-tanaw
Hindi panandalian, bagkus magtatagal
Humble, may puso’t nakinig sa ‘king pangaral

Dahil sa kaniyang pamilya, ang buhay masarap
Kuntento siya sa partner at hindi naghahanap ng iba
You know why? Kasi walang kwenta
What for? Para saan pa? Eh, okay na
Mapagmahal sa pamilya (Kami ay mabait)
Kuntento sa asawa (At wala kaming kabit)
Oh, nice, ‘di ba pinapangarap niyo ‘yun?
Ang magsama ang pamilya ng mahabang panahon

Ikaw ang pinakamagandang (Ano?)
Babae sa balat ng lupa (Say what, say what)
Ikaw ang pinakamagandang (Ano?)
Babae sa buhay ko (Oh yeah, come on, one more time now)
Ikaw ang pinakamagandang (Ano?)
Babae sa balat ng lupa (Say what, say what)
Ikaw ang pinakamagandang (Ano?)
Babae sa buhay ko

Pero sa mga lalake at babaeng ‘di sa ‘kin sumunod
Imbis na nagrerelax ngayon, sila’y nakaluhod
Mga lalake at babae na pinagtawanan ako
At niloko-loko nila ang awitin kong ito
Sila ngayon ang gabi-gabing binabangungot
Na sa asawa nila ay may umaasungot
Na ang lalake, may ginagawang hiwaga sa dilim
At sa asawang babae, may ibang tumitikim

‘Di sila naniwala sa kanta ni Andrew E.
Kaya ngayon, broken hearted at broken family
Bugbugan, sakitan tapos no’n hiwalay
Depressed lahat at gusto na nilang pakamatay
Kaya para lumigaya ang iyong buhay
(Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay)
Kung hindi (Sige ka, puso mo’y mabibiyak)
At ang ‘di sumunod noon, ngayon umiiyak

Ikaw ang pinakamagandang (Ano?)
Babae sa balat ng lupa (Say what, say what)
Ikaw ang pinakamagandang (Ano?)
Babae sa buhay ko (Oh yeah, come on, one more time now)
Ikaw ang pinakamagandang (Ano?)
Babae sa balat ng lupa (Say what, say what)
Ikaw ang pinakamagandang (Ano?)
Babae sa buhay ko

Оцените текст
( Пока оценок нет )

На данной странице вы найдете слова и текст песни Andrew E. — Ikaw. Здесь можно прочитать, а также скачать текст песни и распечатать его.

Поделитесь с друзьями
text-pesen.ru