Текст песни Angeline Quinto — Parang Tayo Pero Hindi

image_pdfimage_print

Ano pa ba’ng hanap?
‘Di ba’t wala naman hadlang?
Higit sa magkaibigan
Ngunit damdami’y may puwang
‘Di ko malaman kung anong mayro’n sa atin
Hindi masabi kung ikaw nga ba
Ay akin?

Parang tayo, pero hindi
Natatakot na magkamali
Nabubulag at nabibingi
Bakit okay lang na parang tayo
Pero hindi?
Kaya’t puso’y ‘di mapakali
Nagtitiis kahit may pait sa ganitong…
Parang tayo… Pero hindi
Parang tayo… Pero hindi

Lagi nang ‘di napapansin
Ang orasang kumukumpas
At sa tuwing magkasiping
Tila ang init ay wagas

Ngunit bakit pagdurusa’y ‘di mapawi?
Ang isip ay litong-lito at ‘di mawari!

Parang tayo, pero hindi
Natatakot na magkamali
Nabubulag at nabibingi
Bakit okay lang na parang tayo, pero hindi?
Kaya’t puso’y ‘di mapakali
Nagtitiis kahit may pait sa ganitong

Parang kay daming dahilan
Dahil takot na masaktan
Paglalaro’y hanggang saan?
Mayr’ong buwis ang buhay na
Parang tayo… Ooohhhh…
Nabubulag at nabibingi
Bakit okay lang na parang tayo, pero hindi?
Kaya’t puso’y ‘di mapakali
Nagtitiis kahit may pait sa ganitong… Parang tayo… Pero hindi…

Оцените текст
( Пока оценок нет )

На данной странице вы найдете слова и текст песни Angeline Quinto — Parang Tayo Pero Hindi. Здесь можно прочитать, а также скачать текст песни и распечатать его.

Поделитесь с друзьями
text-pesen.ru