Текст песни Apo Hiking Society — Dedmahan

image_pdfimage_print

Dedmahan, walang pakialaman
Parang hindi sila magkakilala
Wala rin, wala rin pansinan
Hindi mo iisiping may tagong lihim

Ngunit ‘pag wala ng tao at wala ng nakakakita
At sila na lang dalawa

Yakapan at halikan, suyuan at lambingan
Bumibigay ang pagpigil ng panggigigil
Hindi mapaghiwalay sa isa’t isa
Kay tamis ng pag-ibig kapag nakaw ang mga sandali

Kumplikado ang buhay ni lalaki
Maraming alaga sa bahay
Si babae, nagbubulag-bulagan
Ayaw tanggapin ang katotohanan

Walang inaalala kapag sila’y magkasama
Walang masyadong salita

Yakapan at halikan, suyuan at lambingan
Bumibigay ang pagpigil ng panggigigil
Hindi mapaghiwalay sa isa’t isa
Kay tamis ng pag-ibig kapag nakaw ang mga sandali

Walang inaalala (Akala mo walang problema)
Basta’t sila’y magkasama (Walang nakikitang iba)
Wala nang masyadong salita (Yeah)

Yakapan at halikan, suyuan at lambingan
Bumibigay ang pagpigil ng panggigigil
Hindi mapaghiwalay sa isa’t isa
Kay tamis ng pag-ibig kapag nakaw ang mga sandali

Kay tamis ng pag-ibig kapag nakaw ang mga sandali
Kay tamis ng pag-ibig kapag nakaw ang mga sandali
Nakaw na sandali

Оцените текст
( Пока оценок нет )

На данной странице вы найдете слова и текст песни Apo Hiking Society — Dedmahan. Здесь можно прочитать, а также скачать текст песни и распечатать его.

Поделитесь с друзьями
text-pesen.ru