Текст песни Apo Hiking Society — Gusto

image_pdfimage_print

Gusto ko, gusto ko nang matapos
Gusto ko nang matapos ang araw na ‘to
Upang makauwi na’t managinip ng tungkol sa ‘yo
Ayoko na, ayoko nang gumising
Ayoko nang gumising sa umagang darating
Kung hindi naman ikaw ang nasa tabi’t kapiling

Ano bang kasalanang nagawa sa Diyos
At may parusa na at penetensiya pa sa buhay
Hindi mo man lang ako napapansin

Bakit palagi na lang ganito
Kung sinong walang kuwenta ang kinakausap mo
Bakit ‘di pa ako harapin

Gusto ko, gusto ko pa
Gusto ko pang mabuhay ng isang daang taon
Dahil darating ang araw na ako ang iyong mamahalin

Hindi ko naman dinadaan sa itsura
Heto’t bitin na bitin pa nga ako sa porma
Hindi mo ba ako lilingunin

Kapag palagi na lang ganito
Kung sinong walang kakuwenta-kuwenta ang kausap mo
Kailan mo ba ako harapin?

Gusto ko, gusto ko pa
Gusto ko pang mabuhay ng isang daang taon
Dahil darating ang araw na ako ay iyong mamahalin

Gusto mo, gusto mo ba
Gusto mo bang marining ang laman ng ulo ko
‘Wag na lang at baka sagutin mo pa ako ng «Oo»

Ayoko na, ayoko nang tapusin
Ayoko nang tapusin ang awitin kong ito
Baka may masabi lang ako’t mahalikan mo pa ako

Baka lang magalit pa sa akin ang magulang ko
Sige na, diyan ka na, hanggang dito na lang muna
Bata pa naman tayo

Gusto mo, gusto mo nang aminin
Gusto mo nang aminin ang…

Оцените текст
( Пока оценок нет )

На данной странице вы найдете слова и текст песни Apo Hiking Society — Gusto. Здесь можно прочитать, а также скачать текст песни и распечатать его.

Поделитесь с друзьями
text-pesen.ru