Текст песни Asin — Pagbabago?

image_pdfimage_print

Nakakasawa ang mga pangako
Nakakapagod din ang maghintay
Ang mga pangakong laging napapako
Sa pagtitiwala ay pumapatay
Nakakapagod din ang umasa
Lalo’t ang bituka ay walang laman

Napaka ilap sa mahirap ang hustisya
Lalo’t bansa ay hawak lang ng iilan
Nag people power 1, nag people power 2
Ang buhay natiy’ di parin nagbabago
Nag people power 1, nag people power 2
Ngunit hindi parin tayo natutoto

Maghapo’t magdamag sa pabrika
Kayod kalabaw sa bukirin
Ulani’t arawin tayo sa kalsada
Maisulong lamang ang Adhikain
Hinarap na nating ang lahat ng hirap
Binalikat ang lahat ng pasanin
Ngunit ang bunga ng ating pagsisikap
Sinasarili lamang ng mga sakim

Tayo ang nag-tanim, ang nag-bayo, at nag-sa’ing
Ngunit ng maluto ay iba ang kumain
Tayo ang nag-tanim, ang nag-bayo, at nag-sa’ing
Ngunit ng maluto ay iba ang kumain

Tayo ang pang-harang sa tanke
Tayo ang pang-bala sa kañon
Habang nag-aabang ang mga buwitre
Nag-hihintay ng tamang pag-kakataon

Tayo ang nag-tanim, ang nag-bayo, at nag-sa’ing
Ngunit ng maluto ay iba ang kumain
Tayo ang nag-tanim, ang nag-bayo, at nag-sa’ing
Ngunit ng maluto ay iba ang kumain

Tayo ang pang-harang sa tanke
Tayo ang pang-bala sa kañon
Habang nag-a’abang ang mga buwitre
Bantay-Salakay na mga leader ng nasyon

Kahit mag EDSA 3, Kahit mag EDSA 4
Ang buhay natiy’ di parin magbabago
Kahit mag people power tayo ang talo
Hanga’t hindi tayo natututo…

Оцените текст
( Пока оценок нет )

На данной странице вы найдете слова и текст песни Asin — Pagbabago?. Здесь можно прочитать, а также скачать текст песни и распечатать его.

Поделитесь с друзьями
text-pesen.ru