Текст песни Basil Valdez — Buksan

image_pdfimage_print

Makisilong ang isang sawi
Ang dasal ay tulungan
Itong pusong nagkamali
At walang masilongan

Sa silong ng paglingap mo
Nagtago ang pag ibig
Pakisilong ng hirap ko
Sa lupit ng daigdig

Buksan mo ang pinto ng puso mo
Sa isang kubling sulok nito
Makikitago rin ako
At ang pag ibig na pinagkait
Marahil dun makakamit
Sa puso mong sa wari kay bait

Makisilong itong sawi
Sa payong ng pangarap
Mabawasan kahit kaunti
Ang aking paghihirap

Makisilong na rin sabay
Sa payong ng paglimot
Ilahad mo ang iyong kamay
Upang aking maabot

Buksan mo ang pinto ng puso mo
Sa isang kubling sulok nito
Makikitago lang ako
At ang pagibig na pinagkait
Marahil dun makakamit
Sa puso mo wari kay bait
Ah Buksan mo ang pinto ng puso mo
Sa isang kubling sulok nito
Makikitago lang ako
Ohh Buksan mo ang pinto ng puso mo
Sa isang kubling sulok nito
Makikitago lang ako…

Оцените текст
( Пока оценок нет )

На данной странице вы найдете слова и текст песни Basil Valdez — Buksan. Здесь можно прочитать, а также скачать текст песни и распечатать его.

Поделитесь с друзьями
text-pesen.ru