Текст песни Basil Valdez — Di na muling mag-iisa

image_pdfimage_print

(M) Noon akala ko'y sagabal lang ang pag-sinta
Sarili ang mundo't walang itinatanging iba
(F) Ligaya ko'y nadarama sa 'king pag-iisa
Hanggang minsan sabuhay ko ay nasilayan ka

(M) Tibok ng puso ko'y tuloy-tuloy sa pag-pintig
Sumisigaw, sumasamong ako'y umiibig

(F) Damdamin pagliyag na 'di ko nais marinig
Unti-unting bumubukal sa tahimik kong daigdig

(B) Ang alay mong pagmamahal ay kay sarap damhin
Ang diwa ko'y parang bituin naglalakbay man din
Gayon palang nalalasap kung may naglalambing
Ang araw at gabi'y parati nang nagniningning

(M) Kailan pa ma'y hindi na iibigin pang muli
Ang mag-isa kahit paulit-ulit masawi

(F) Sa 'yong piling ang puso ko'y laging nakangiti
Pag-ibig mo'y, ligaya ko sa bawat sandali

(B) Ang alay mong pagmamahal ay kay sarap damhin
Ang diwa ko'y parang bituin naglalakbay man din
Gayon palang nalalasap kung may naglalambing
Ang araw at gabi'y parati nang nagniningning

Habang buhay sa puso ko'y tanging ikaw sinta
Bawat saglit at sandali sa tuwina'y kay ganda
Sa hirap at ginhawa man laging magsasama
Ngayon at kailanma'y 'di na muling mag-iisa

Оцените текст
( Пока оценок нет )

На данной странице вы найдете слова и текст песни Basil Valdez — Di na muling mag-iisa. Здесь можно прочитать, а также скачать текст песни и распечатать его.

Поделитесь с друзьями
text-pesen.ru