Текст песни Noel Trinidad — Medley: Maligayang Pasko At Masaganang Bagong Taon / Namamasko / Ang Pasko'Y Sumapit Na Naman / Dalangin Sa Pasko / Pasko Ng Madla / Mano Po Ninong / Pasko Na Naman / Pasko Na Naman

image_pdfimage_print

Pasko na naman
Pasko na naman
Kaya kami ngayo'y naririto
Upang kayong lahat ay aming handugan
Ng iba't ibang uri ng pamasko

Ang Pasko ay sumapit
Tayo ay mangagsi-awit
Ng magagandang himig
Dahil sa ang Diyos ay pag-ibig
Nang si Kristo'y isilang
May tatlong haring nagsidalaw
At ang bawa't isa ay nagsipaghandog
Ng tanging alay
Bagong Taon ay magbagong-buhay
Nang lumigaya ang ating bayan
Tayo'y magsikap upang makamtan
Natin ang kasaganahan
Tayo'y mangagsi-awit
Habang ang mundo'y tahimik
Ang araw ay sumapit
Ng sanggol na dulot ng langit
Tayo ay magmahalan
Ating sundin ang gintong aral
At magbuhat ngayon
Kahit hindi Pasko ay magbigayan!

Sa maybahay ang aming bati
Merry Christmas na maluwalhati
Ang pag-ibig pag siyang naghari
Araw-araw ay magiging Paskong lagi
Ang sanhi po ng pagparito
Hihingi po ng aginaldo
Kung sakali't kami'y perhuwisyo
Pasensya na kayo pagka't kami'y namamasko

Ang Pasko ay sumapit na naman
Kaya tayo ay dapat na magdiwang
'Pagkat ngayon ay araw ng pagsilang
Ni Hesus na 'di natin malilimutan
Halina tayo ay manalangin
Ng tayong lahat ay Kanyang pagpalain
Ang Pasko ay ating pasayahin
Sa pagmamahalan natin

Maligayang Pasko sa bawat tahanan
Ang dalangin namin sana ay makamtan
Masaganang buhay sa taong darating
Ang maging palad sana natin
Dinggin lamang ang dalangin
Darating hangarin
Sama-sama na awitin
Ang isang Ama Namin

May gayak ang lahat ng tahanan
Masdan n'yo at nagpapaligsahan
May parol at ilaw bawa't bintana
May sadyang naiiba ang ibang kulay
Kay ganda ng ayos ng simbahan
Ang lahat ay inaanyayahan
Nang dahil sa pagsilang
Sa sanggol na siyang maghahari
Ng panghabang panahon
Ang pasko'y araw ng bigayan
Ang lahat ay nagmamahalan
Tuwing pasko ay lagi nang ganyan
May sigla, may galak ang bayan

Maligaya, maligayang
Pasko kayo'y bigyan
Masagana, masaganang
Bagong tao'y kamtan
Ipagdiwang, ipagdiwang
Araw ng Maykapal
Upang manatili sa atin ang kapalaran
At mabuhay na lagi sa kapayapaan
Mano po ninong, mano po ninang
Narito kami ngayo'y
Humahalik sa inyong kamay
Salamat ninong, salamat ninang
Sa aginaldo po ninyong ibibigay

Pasko na naman, pasko na naman
Kaya kami ngayo'y naririto
Upang kayong lahat ay aming handugan
Ng iba't ibang himig na pamasko
Maligaya, Maligaya
Maligayang pasko… sa inyong lahat!

Оцените текст
( Пока оценок нет )

На данной странице вы найдете слова и текст песни Noel Trinidad — Medley: Maligayang Pasko At Masaganang Bagong Taon / Namamasko / Ang Pasko'Y Sumapit Na Naman / Dalangin Sa Pasko / Pasko Ng Madla / Mano Po Ninong / Pasko Na Naman / Pasko Na Naman. Здесь можно прочитать, а также скачать текст песни и распечатать его.

Поделитесь с друзьями
text-pesen.ru