Dapat bang balikan ang mga kaganapan ng taong nagdaan
Bangayan, banggan, awayan, hiwalayan, turuan, duruan
Kawalan ng kabuhayan
'Di pagkakaunawaan
Hanggang saan
Hanggang kailan
Ang 'di mo alam may pag-asa na nakalaan
May ilaw na masisilayan
Kung ang paningin lang natin ang papalitan
Gaganda ang sama-sama nating kinabukasan
Bagong pananaw,
Bagong pagsulong,
Bagong panimula,
Bagong pagbangon,
Bagong handog,
Sa atin ng panginoon
Bagong pagkakataon,
Bagong taon,
Sana'y pagbibigayan at kapatawaran
Na siya'y maghari sa 'ting bayan
Kung ang hanapin natin sa mundo'y kabutihan
Magandang bukas ang ating maasahan
Ang bawat isa sa 'tin ay may kagandahan
Kung bubuksan lang ang puso't isipan
Magpasalamat sa mga aral nating natutuhan
Mukhang may pagbabagong tunay na masaksihan
Bagong pananaw,
Bagong pagsulong,
Bagong panimula,
Bagong pagbangon,
Bagong handog,
Sa atin ng panginoon
Bagong pagkakataon,
Bagong taon,
Buong mga kapatid wag na po sana tayo magsisihan
(Wag magsisihan)
Tulungan, damayan, alalayan, pagbibigayan
(Pagbibigayan)
Tunay na pagmamahalan ang ating kailangan
Saan pa man, kailan pa man
Bagong pananaw,
Bagong pagsulong,
Bagong panimula,
Bagong pagbangon,
Bagong handog,
Sa atin ng panginoon
Bagong pagkakataon,
Bagong taon,
(Bagong taon…)
Bagong pananaw,
Bagong pagsulong,
Bagong panimula,
Bagong pagbangon,
Bagong handog,
Sa atin ng panginoon
Bagong pagkakataon,
Bagong taon,
Bagong pagkakataon,
(Wooaahhh, wooaahh, woah…)
Bagong taon,
(Wooaahhh, wooaahh, woah…)
Bagong taon,
(Wooaahhh, wooaahh, woah…)
Bagong taon,
(Wooaahhh, wooaahh, woah…)
Bagong taon,
Bagong pagkakataon,
Bagong taon