Текст песни Apo Hiking Society — Alipin Ng Mundo

image_pdfimage_print

Ikaw ay nahahanap sa bawat sulok ng mundo
Pagkat ang mura lang ng bayad sa talino mo
Alila ng dayuhan at yaya ng kanyang anak
At kung minsan naman, ika’y pulutan sa alak

Tinitiis mo ang lahat ng hirap at luha
Upang pamilya ay makaraos at guminhawa
Binabaliwala mo lamang ang sakit ng kalungkutan
Nagpapasalamat pa na may pinagkakakitaan

Ikaw ba’y alipin ng mundo?
Naiiba sa lahi mo
Ulila sa pinanggalingan, alipin sa pinuntahan
Kaibigan, paano ka nagkaganito?

Ikaw ay nasa pook maliban sa iyong bansa
At ang tingin nila sa ‘yo ay napakababa
Pinagagawa sa ‘yo ang mga ayaw nilang gawin
At ‘pag natapos na’ng kontrata, ika’y pauuwiin

Mahirap palang mabuhay na walang karapatan
Nakikisuyo lang sa bawat pangangailangan
Laging nag-iingat dahil wala ka sa iyong bansa
Walang mapuntahan kapag ikaw ay nasita

Ikaw ba’y alipin ng mundo?
Naiiba sa lahi mo
Ulila sa pinanggalingan, alipin sa pinuntahan
Kaibigan, paano ka nagkaganito?

Ikaw ba’y alipin ng mundo?
Naiiba sa lahi mo
Ulila sa pinanggalingan, alipin sa pinuntahan
Kaibigan, paano ka nagkaganito?

Оцените текст
( Пока оценок нет )

На данной странице вы найдете слова и текст песни Apo Hiking Society — Alipin Ng Mundo. Здесь можно прочитать, а также скачать текст песни и распечатать его.

Поделитесь с друзьями
text-pesen.ru