Текст песни Apo Hiking Society — Malungkot Na Balita

image_pdfimage_print

Malungkot na balita ngunit ayaw makita
Patay, mali tayong lahat
Paubos na raw ang gubat, pati tubig wala na
Ang natitira, nakabotelya

Huwag ng bigyang pansin ang suliranin
Mas madali kung dedmahin
Hayaan natin ang siyensiya
Lutasin ang mga problema

Malungkot na balita, nasa dulo na ng dila
Ngunit hindi bibigkasin
Kahit na nasa langit, ito ay nakaguhit
Hindi pa rin babasahin

Huwag ng bigyang pansin ang suliranin
Mas madali kung dedmahin
Hayaan natin ang gobyerno
Ayusin ang lahat ng ito

Malungkot na balita
Kalagayan ay malubha na
Tayo daw ang problema
Dahil sa katangahan at walang pakialaman
Hindi na kayang iwasan

Malungkot na balita, nasa dulo na ng dila
Ngunit hindi bibigkasin
Ang gusto lang pakinggan ay ang mga tsismisan
Kuwentong walang kabuluhan

Kapit sa patalim tayo ngayon
Naghahanap ng paraan
Lahat ng bagay susubukan
Nang ang problema, ‘di kailangang harapin
Nang maiwasan at ito ay limutin
Nang ang problema, ‘di kailangang harapin
Nang maiwasan at ito ay limutin

Malungkot na balita
Kalagayan ay malubha na
Tayo daw ang problema
Dahil sa katangahan, hindi na kayang iwasan

Malungkot na balita ngunit ayaw makita
Kahit na nasa langit, ito ay nakaguhit
Malungkot na balita, nasa dulo na ng dila

Оцените текст
( Пока оценок нет )

На данной странице вы найдете слова и текст песни Apo Hiking Society — Malungkot Na Balita. Здесь можно прочитать, а также скачать текст песни и распечатать его.

Поделитесь с друзьями
text-pesen.ru