Ilang saglit na lamang ang sikat ng araw
Papantay sa kapaligiran kay gandang pag masdan
Ang mga ibon at kulisap
Nagsasagutan
Sa tunog ng kamapana
Kanilang sinasabayan
Ang mga batang naglalaro sa bakuran
Dahan dahang magliligpit ng kanilang mga laruan
At papanhik sila ng bahay
Doon ay madadatnan
Ang lolo ang lola at mga mahal na magulang
Alasais na ng hapon oras ng orasyon
Tahimik sa aming bukid habang nagdidilim ang paligid
At ang maganda kong mailarawan ay ang pagmano sa magulang
Sa lolo sa lola tanda ng pag galang
Mano po sa inyo ang sambit ng mga bata
Sabay hawak sa kamay ng matatanda
Mano po inay mano po itay
Kami ay natutuwa sa simpleng takbo ng buhay
Ang kaugaliang aking nakita
Sanay manatiling isang magandang halimbawa
Itoy isang kaugalian na sanay pag ingatan
Hiyas ng kabataan sanay pangalagaan
Mano po sa inyo ang sambit ng mga bata
Sabay hawak sa kamay ng matatanda
Mano po inay mano po itay
Kami ay natutuwa sa simpleng takbo ng buhay…