Текст песни Asin — Sayang Ka

image_pdfimage_print

Sayang ka, pare ko
Kung ‘di mo ginagamit ang ‘yong talino
Sayang ka, aking kaibigan
Kung ‘di mo ginagamit ang ‘yong isipan

Ang pag-aaral ay ‘di nga masama
Ngunit ang lahat ng pinag-aralan mo’y matagal mo nang alam
Ang buto ay kailangang diligin lamang
Upang maging isang tunay na halaman

Pare ko, sayang ka
Kung ika’y musikerong walang magawang kanta
Sayang ka, kung ikaw…
Ay taong walang ginawa kundi ang gumaya

Ang lahat ng bagay ay may kaalaman
Sa lahat ng bagay sa kanyang kapaligiran
Idilat mo ang ‘yong mata, ihakbang ang mga paa
Hanapin ang landas na patutunguhan

‘Pagkat ang taong mulat ang mata
Lahat ng bagay, napapansin niya
Bawat kilos niya ay may dahilan
Bawat hakbang may patutunguhan
Kilos na, sayang ka

Sayang ka, aking kaibigan
Kung ‘di mo makita ang gamit ng kalikasan
Ang araw at ulan
Sila ay narito, iisa ang dahilan

Sayang ka kung wala kang nakita sa ulan
Kundi ang basa, sa ‘yong katawan
Sayang ka kung wala kang nakita sa araw
Kundi ang sunog, sa ‘yong balat

‘Pagkat ang taong mulat ang mata
Lahat ng bagay, napapansin niya
Bawat kilos niya ay may dahilan
Bawat hakbang may patutunguhan
Kilos na, sayang ka

Оцените текст
( Пока оценок нет )

На данной странице вы найдете слова и текст песни Asin — Sayang Ka. Здесь можно прочитать, а также скачать текст песни и распечатать его.

Поделитесь с друзьями
text-pesen.ru